Isang
umaatikabong bakbakan sa paglalaro ng basketball, sa pagitan ng ating mga
lingkod bayan, ang nasaksihan sa Ynares Sports Arena noong Agosto 11, 2013, sa
ganap na ika-dalawa ng hapon.
Ito ang
UNTV cup, ang proyektong inilunsad ni Kuya Daniel na nilahukan ng mga lingkod
ng bayan at ilang celebrities. Hindi lamang ito susubok sa kanilang kakayahan
at abilidad ngunit huhubog din sa kanilang pakikipagkaibigan at pagiging isport
sa naturang laro. Ito ay naglalayong makatulong sa nagangailangan, sapagkat ang
magkakampeon sa naturang laro ay magkakamit ng premyong kanila namang
ipamamahagi sa napiling charitable institutions. Ang mga kalahok ay binubuo ng
mga liga ng ilang ahensya ng gobyerno, kabilang ang mga sumusunod: Armed Forces
of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Judiciary,
Congress LGU, Philhealth at Department of Justice (DOJ).
Sa
unang laban ay nagtuos ang Philhealth at Congress LGU. Binubuo ang Philhealth ng
line up nina Kevin John delos Santos, Carlo Timothy Capati, Kenneth Emata at
ang guest celebrity player na sina Kier at Zoren Legaspi, habang sina Gerry
Esplana, Francis Zamora at guest celebrity player na si Ervic Vijandre ang sa
Congress LGU.
First
quarter pa lamang ay natambakan agad ng Philhealth ang Congress LGU sa puntos
na 27-10. Samantala, sa first half ay dumating ang guest celebrity player ng
Congress LGU na si Ervic Vijandre. Kahit wala pang warm up ay sumalang agad si
Vijandre, at hindi nagatubiling pumuntos, na naging dahilan upang bansagan
siyang scoring machine. Sa maikling minuto ay nakapuntos agad si Vijandre ng
walang mintis. Samantala, dumating si Jay Manalo sa kalagitnaan ng laro. Naging
mainit ang laban habang papatapos na ang 3rd quarter, nagkaroon ng girian at
pisikalan sa pagitan ni Vijandre at ng Philhealth. Sa kabila ng pangyayaring
iniiwasan, nagpatuloy pa rin ang laro. Nangunang outstanding player ng
Philhealth si Emata habang si Vijandre naman ang sa Congress LGU. Natalo ng
Philhealth ang Congress LGU sa puntos na 98-73 at itinanghal namang outstanding
player si Emata sa pagkakaroon ng 20 points, 3 rebounds at 1 turnover.
Sa
pagpapatuloy ng UNTV cup sa pangalawang laban ay nagharap ang DOJ at Judiciary.
Ngunit, ano nga ba ang pagkakaiba ng dalawang ito? Ang DOJ ay ahensya ng
gobyerno kung saan napapaloob ang public attorney’s office, LRA, NBI,
prosecution office at iba pa na pinangungunahan ni DOJ secretary Leila de Lima.
Habang ang Judiciary naman ay sumasaklaw sa Korte Suprema, Court of Appeals,
Sandigan Bayan at iba pa na pinamumunuan ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.
Agad na
tinamabakan ng Judiciary ang DOJ sa first quarter ng laban na may puntos na 10-40,
sa kabila ng malaking lamang ng Judiciary ay nanatiling crowd favorite ang DOJ
dahil sa kanilang determinasyon at dedikasyon na ipanalo ang laro. Sa halip na
pakuntiin ng DOJ ang lamang ng Judiciary ay tila napanghinaan ng loob ang ilang
miyembro dahil sa malaking diperensya ng mga puntos. Nagwagi ang Judiciary
laban sa DOJ na may puntos na 60-130. Itinanghal namang outstanding player si
Ariel Capus na may 16 points, 3 rebounds at 1 block.
Ang
main event na pinaka-aabangan ng mga manonood ay ang paghaharap ng AFP at PNP,
na pawang mga competitive sa pagbibigay ng serbisyo publiko.
Isang
mahigpit at dikit na laban ang natunghayan sa pagitan ng AFP at PNP. Ika nga
nina Sen Sarmienta at Ronnie Magsanoc “ito na ang competitive game sa UNTV
cup”. Nangunguna ang PNP sa first quarter ng laban na may puntos na 13-22.
Nagbago naman ng taktika ang AFP, na naging daan upang mapakaunti nila ang
lamang ng PNP. Ang puntos sa 2nd quarter
ay 33-35. Sa ganda ng laban ay halos walang kumukurap sa mga manonood. Sa mga
sumunod na quarter ay tila naghahabulan ng puntos ang AFP at PNP. Sa 3rd quarter ay nangunguna pa rin ang PNP
sa puntos na 55-59. Ang ilan sa mga manlalaro na nagpamalas ng kahusayan na
nakapagambag sa puntos na kani-kanilang koponan ay sina Zuniga, Araneta, at
Sergio sa AFP at sina Criste, Umipig, at Misola naman sa PNP. Ang kombinasyon
nina Criste at Umipig sa huling segundo ng laro ang nakapagpatiyak ng kanilang
tagumpay laban sa AFP na may puntos na 69-72.
Sa
pamamagitan ng UNTVcup ay mapapalawig ang adhikain ni Kuya Daniel na “ang
paggawa ng mabuti ay hindi magbubunga ng masama”.
*straight
news
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento